Nagrereklamo ang ilang mga senior citizen matapos mawala ang pila na para sa kanila sa ginaganap na pahalik sa Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.
Ayon sa ilang mga nakausap senior citizens na nakausap ng DZXL News, madaling araw pa lamang nang magtungo sila sa pila pero inabisuhan na iisang pila na lamang sila pupunta.
Karamihan sa mga senior citizens ay nagmula pa sa Cavite, Bulacan, Pampanga at Bataan.
Wala pa namang tugon ang mga nakatalaga o mga in-charge sa pila hanggang sa kasalukuyan.
Ang ilan namang mga senior citizen ay nagtiyaga na lamang pumila lalo na’t parte ito ng kanilang panata sa tuwing kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.
Umaabot naman na sa mahigit 37,000 ang naitalang bilang ng deboto base sa datos ng Manila Police District.