ILANG MGA SITIO SA DAGUPAN CITY, LUBOG PA DIN SA TUBIG BAHA

Lubog pa din sa tubig baha ang ilang mga sitio sa Dagupan City bunsod pa din ng naging epekto ng Bagyong Egay at habagat nitong nakalipas na Linggo.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan CDRRMO Technical Working Group Head Ronald De Guzman, abot Apa hanggang bewang at dibdib ang mga tubig sa nasabing mga lugar.
Bunsod nito ay may mga ilang mga residente pa din ngayon na nasa evacuation centers sa Lungsod.

Samantala, nagsasagawa na din ng mga Declogging operation sa mga creek at kanal ng Dagupan City upang malinisan maging mga namuong putik sa mga kanal.
Pinag iingat naman ni De Guzman ang publiko kaugnay sa mga sakit na nakukuha sa mga madumi at naipong tubig. |ifmnews
Facebook Comments