Inaasahan ngayon ng mga opisyal ng militar sa Amerika na maglalabas ng kautusan si US President Donald Trump na pababalikin na sa kanilang bansa ang ilan nilang sundalo.
Ito’y bago matapos ang kaniyang termino sa January 20, 2021 kung saan partikular na tinukoy ng hindi na pinangalanang opisyal ng militar sa Amerika ang mga sundalong nakatalaga sa Afghanistan at Iraq.
Sinasabing nasa tig-2,500 sundalo na lamang ang iiwan o mananatili sa dalawang nabanggit na bansa.
Nabatid na nasa 5,000 ang kabuuang bilang ng sundalong nakatalaga sa Afghanistan habang 3,000 naman sa Iraq.
Ang nasabing desisyon na pagpull-out ng mga sundalo ay kasunod ng ginawang hakbang ng administrasyon ni Trump na bawasan ang mga pwersa ng US military nitong mga nakalipas na buwan pero ang mga maiiwan naman ay patuloy na tutulong para magbantay sa seguridad.