Ilang mga tagasuporta ni PBBM, nagtungo sa Batasan para panoorin ang kanyang SONA

Dumayo pa mula sa Antipolo sina Nanay Consuelo Teodocio, Irene Santos, Julieta Talingdan at tatay Benedicto Ligo para sana panuorin ng personal ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa kanila, buo ang suporta nila sa administrasyong Marcos dahil na naisasakatuparan naman ng pangulo ang kanyang ipinangako.


Samantala, dahil hindi pinayagang makalapit sa Batasan, magtutungo na lamang sila sa bahagi ng COA/Sandiganbayan upang doon manuod at makinig ng ulat sa bayan ng pangulo.

Sa bahagi kasi ng Sandiganbayan, pinapayagan ang mga pro Marcos government na magsagawa ng kanilang aktibidad.

Facebook Comments