
Nasa pitong tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tinggal sa pwesto dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na aktibidad.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, bahagi ito ng pinalakas na internal cleansing ng ahensiya base sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Layunin din ng hakbang na matigil ang korapsyon at palakasin pa ang border security ng bansa.
Ilan sa mga tinanggal na tauban ng Immigration ay naka-assign sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 3.
Ang mga ito ay kasalukuyang isinasailalim sa imbestigasyon matapos maugnay sa iligal na pagpapaalis sa bansa ng mga biktkma ng human trafficking sa Myanmar na napauwi naman na sa Pilipinas.
Sakaling mapatunayan may kasalanan, sasampahan ang mga na-relieve na empleyado ng BI sa Department of Justice (DOJ).