Pinapurihan ng Trade Union Congress of the Philippines ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) sa matagumpay na pagsundo sa mga manggagawang Filipino sa coronavirus infected na lalawigan ng Wuhan, China.
Sa balitaan sa Maynila, nagpapasalamat si TUCP Representative Raymond Mendoza sa dedikasyon sa trabaho ng mga taga-DOH at DFA para maibalik sa bansa ang mga OFWs.
Matatandaan na alas otso kaninang umaga nang lumapag sa bansa ang chartered flight ng Philippine Airlines na sakay ang 30 OFWs, na ngayon ay naka-quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Maging ang mga piloto at cabin crew ng chartered plane ng pamahalaan ay pinapurihan din ng TUCP dahil sa pagtanggap sa delikadong mission, lalo na at lantad sila sa mapanganib na virus.
Nananawagan naman ang TUCP sa airline chartered na bayaran ang 14-day quarantined period hazard pay ng mga piloto at cabin crew gayundin ang mga tauhan ng DFA at DOH na sumundo sa mga naturang OFWs.