Ilang mga tauhan ng Immigration, ni-relieve

Ni-relieve na sa pwesto ang Executive Chairman ng Board of Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI).

Sa inilabas na kautusan ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, inatasan si Atty. Gilberto Repizo na lisanin ang nasabing pwesto at i-turn over ito sa Acting Chief.

Ang nasabing kautusan ay sa ilalim ng Department Order No. 480 na inilabas ni Viado.

Matatandaan na si Repizo ang siyang nagsiwalat ng mga anomalya sa Immigration kung saan una na rin niyang tinanggihan ang kautusan ng Department of Justice (DOJ) na ilipat siya ng opisina.

Bukod naman kay Repizo, nagsumite naman ng kaniyang irrevocable resignation si Daniel Laogan bilang Deputy Commissioner ng Immigration.

Facebook Comments