Ilang mga tindera ng face mask, nangangamba sa bawas-kita dahil sa bagong face mask rule

Nangangamba ang ilang nagtitinda ng face mask kasunod ng gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot nito sa mga open spaces.

Ayon sa ilang nagtitinda, nababahala sila sa bawas-kita kung saan malaki ang naitutulong nito sa pantustos sa pang-araw-araw nila na pangangailangan.

Anila, isa sa pandagdag nila sa kita simula nang magpandemya dulot ng COVID-19 ay ang pagbebenta ng face mask.


Gayunpaman, tuloy pa rin sila sa pagbebenta kahit maliit na lang ang kanilang kikitain.

Sinabi rin nila na wala naman silang magagawa dahil utos ito ng pamahalaan.

Matatandaang, inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang EO No. 3 na layong gawing hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa labas na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments