Apektado ang ilang mga TODA o mga namamasada ng tricycle sa bayan ng Mangaldan sa 3-day coding scheme na ipinatutupad ng POSO ngayon.
Partikular na apektado ang mga tricycle drivers sa Barangay Alitaya.
Ayon sa Public Order and Safety Office, kaya ipinatutupad ang naturang coding scheme dahil sa hindi na magkasya ang mga tricycle at limitadong espasyo sa terminal para sa paradahan.
Nasa walongpu ang miyembro ng TODA sa bayan ng Mangaldan na namamasada araw-araw na siyang mataas na bilang na rin kung kaya’t hindi na makapagbibigay ng sapat na espasyo ang terminal kung saan sila pumaparada.
Mula Lunes hanggang Sabado ang sakop ng Coding Scheme habang pinagbibigyan naman ang lahat ng tricycle driver na mamasada sa araw ng linggo. |ifmnews
Facebook Comments