ILANG MGA TRANSPORT GROUP, NABABAGALAN SA PANDINIG SA KANILANG HINIHILING NA FARE INCREASE

Umusad na sa 70 pesos ang kada litro ng diesel ngunit ang hiling na fare increase petition ng mga transport group, mabagal ang pag-usad.
Dalawang pisong fair increase ang hinihiling ilang mga transport sectors sa kanilang petisyon na siyang magiging pambawi nila sa patuloy nararanasang oil price hike.
Hindi rin kasi lahat ng transport vehicles ay sakop ng one time fuel subsidy dahil sinala din ang mga benepisyaryo nito dahil sa limitadong budget para rito.

Hinaing ng ilang jeepney drivers, kailangan na talaga umanong itaas ang pasahe dahil malaki na ang nababawas ng pagbili nila ng produktong petrolyo sa kanilang kinikita.
Ayon naman sa LTFRB, wala umanong nakabinbin na fair increase petition sa region 1 dahil nakadepende ang mga transport sectors sa mga probinsya sa inihaing fair increase sa metro manila.
Ang dinidinig ngayong fair increase petition sa LTFRB Central office ay dalawang piso hanggang limang pisong taas pasahe.
Dagdag pa ng LTFRB, hindi rin maaaring madaliin ang pagdinig sa fair increase petition dahil kailangan ng masusing pagsusuri at pagtalakay ukol dito. |ifmnews
Facebook Comments