Sa muling pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, ilang mga tricycle driver sa Dagupan City ang hindi na namamasada at piniling mas ilaan ang kanilang pang gasolina sa ibang bayarin.
Ilan sa mga nakapanayam ng IFM News Dagupan na tricycle driver sinabing Pabago-bago ang kanilang kita sa araw-araw at kung talagang sobrang taas ng presyo ng petrolyo ay hindi na raw muna mamamasada at ilalaan na lamang sa ibang pangangailangan.
Anila, hirap ang mga ito sa pagba budget sa kanilang pang araw-araw dahil may mga iba pa Silang pangangailangan at bayarin.
Kung mayroon umanong tira sa kanilang budget ay iyon na lamang ang kanilang ipang gasolina.
Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau, dahil sa tumitinding tensyon sa bahagi ng middle east.
Sa ngayon, nasa P0.40 ang itinaas sa kada litro ng diesel at kerosene habang nasa P1.10 naman sa kada litro ng gasolina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments