ILANG MGA TRICYCLE DRIVERS SA DAGUPAN CITY, INIREREKLAMO ANG PUMAPASADANG MGA KOLORUM

Inihayag ng ilang tricycle drivers sa Dagupan City ang isa sa kanilang matagal na rin umanong problema, ang mga kolorum na sasakyan.

Sa mga tricycle driver at operators na nakapanayam ng IFM News Dagupan, naaagawan umano ng mga pasahero ang mga ito at nagkakataon pang sila ang mahal maningil ng pamasahe.

Sa kabila nito, ikinatuwa naman ng ilan ang pagkakaroon ng regulatory sticker upang sila lamang ang maaaring makapamasada o maghintay sa kanya-kanyang TODA.

Ang siste kasi tulad na lamang sa Jovellanos TODA, kung wala umanong prangkisa o walang sticker ay hindi na pinapayagan ang mga kolorum na doon pumarada.

Anila, hindi talaga patas sa kanilang mga may kaukulang papeles at taon-taong nagre-renew, gumagastos para sa prangkisa at iba pang dokumento para maging legal ang pamamasada, kung ikukumpara sa mga kolorum na kung saan-saan lamang sumusulpot at minsan umano’y nagkakainitan pa.

Hinaing din ng mga ito ang mataas na presyuhan ng petrolyo na may malaking bawas sa kanilang arawang kita.

Samantala, panawagan naman ng mga ito ang tulong pinansyal na mula sa gobyerno.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments