Ilang mga tsuper, nakukulangan sa SONA ni PBBM matapos hindi ginawang prayoridad ang problema sa transport sector

Nakukulangan itong mga jeepney driver sa naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.

Ito’y matapos hindi napagtuunan o nabigyang prayoridad ang problema sa transportasyon gaya na lamang ng problema nila sa jeepney phase out at mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Anila, mukhang walang pakialam ang pangulo sa kanilang mga tsuper na malaki rin naman daw ang ambag sa lipunan.

Duda rin umano sila sa sinabi nitong pagpapababa sa presyo ng mga bilihin dahil ‘yung pinangako nga nito umanong P20 na bigas ay hindi naman daw nangyari.

Matatandaang nabanggit ni Pangulong BongBong Marcos itong pagbabalik ng “Love bus” na gagawing libre na rin para sa mga mananakay pero hindi naman daw lahat ay kayang ma-accommodate ng naturang sasakyan kung kaya dapat mas prayoridad ng pangulo ang pampublikong transportasyon.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibabalik ng pamahalaan ang kumpiyansa at tiwala ng mga Pilipino sa gobyerno, sa pamamagitan ng responsableng pamununo, nakikitang resulta ng mga proyekto, at serbisyong publiko na mabilis at mayroong integridad.

Facebook Comments