Nabigla ang ilang mga tsuper ng pampasaherong jeep sa Maynila matapos ang ikinasang operasyon ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr).

Ilang mga jeep ang nasita dahil sa mga paglabag tulad ng walang plaka sa likuran, pudpod ang gulong, at hindi na karapat-dapat pang bumiyahe.

May ilang tsuper din ang pumapasada ng jeep na expired na ang lisensiya nang tatlong taon.

Isa naman ang nagpalusot pa kung saan nahuli raw sa Lipa, Batangas pero walang maipakitang violation ticket.

Kaugnay nito, binigyan muli ng violation ticket ang tsuper pero hindi na ito makakabiyahe pa dahil ibabalik sa operator ang jeep.

Ang mga nasitang jeep ay ooblogahin dalhin ang mga sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) upang suriin at alamin kung pwede pa itong bumiyahe.

Facebook Comments