Ilang mga tsuper ng pampasaherong jeep, hindi kuntento sa rollback

Hindi pa rin kuntento ang ilang mga tsuper ng pampasaherong jeep sa lungsod ng Maynila sa malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Nabatid na kaninang alas-6:00 ng umaga ay nagtapyas na ng P11.45 sa presyo ng kada litro ng diesel habang P5.45 naman sa gasolina at P8.55 naman sa kerosene.

Ayon sa ilang mga tsuper dito sa San Andres, Maynila, hindi pa rin sapat ang nasabing rollback dahil mataas pa rin ang presyo ng krudo.


Gaya ng sinabi ni Mang Jaime, halos lahat ng miyembro ng kanilang asosasyon ay wala pa ring natatanggap na fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Mang Jaime, noong mga nakaraang linggo na nasa higit P60.00 ang presyo ng krudo ay halos P300.00 lang ang naiuiwi nila sa pamilya mula umaga hanggang gabi na pasada kaya’t kanilang panawagan na matutukan sana ng gobyerno ang kanilang kinakaharap.

Facebook Comments