Balik sa kalsada ang ilang tsuper sa Quezon City pero hindi para pumasada kung hindi mamalinos.
Sa kahabaan ng Visayas Avenue, ang mga jeepney driver, hawak ang galon, inaalog-alog sabay hingi ng limos sa mga napapadaan.
May karatula rin sa kanilang pwesto na nagpapahayag sa kanilang paghingi ng tulong.
Ayon kay Rod Navarra, apat na araw lang sila nakatikim sa pamamasada pero ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay pinagbawalan muli sila.
Aminado ang mga tsuper na nahihiya sila sa ginagawang pamamalimos pero lakas loob nila itong gagawin para may panggastos ang nagugutom na pamilya.
Batid din nila ang peligro sa pakikipagsapalaran sa kalsada kabilang na ang rumaragasang sasakyan at banta ng COVID-19.
Facebook Comments