Ilang mga turista na stranded sa Batanes dahil sa Bagyong Kristine, nailikas na —DOT

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na nabawasan na ang stranded na mga turista sa Batanes matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ito ay matapos na maisakay na sa dalawang flights ang 37 mula sa kabuuang 140 na stranded na mga turista.

Ang mga naiwan namang mga turista ay nananatili sa Basco.


Ayon sa DOT, sila ay hinahanapan pa ng available na seats sa eroplano para mailikas na rin.

Inaasahan naman na maibabalik na sa normal ang biyahe ng mga transportasyon sa Batanes.

Facebook Comments