ILANG MGA VEGETABLE VENDORS SADAGUPAN CITY, DAGDAG HIRAP UMANO ANG TAAS PRESYO SA KRUDONG GINAGAMITPANG-ANGKAT NG MGA INILALAKONG GULAY

Ilan sa mga gulay vendors sa lungsod ng Dagupan ang hirap na rin umano sa taas presyo ng mga produktong langis dahilan na maski sila ay gumagamit nito sa pag-aangkat ng mga gulay na kanilang ibebenta sa merkado.
Sa Urdaneta City ang kadalasang pinagkukunan ng mga ito ng kanilang inilalakong produkto dahil isa ito sa bagsakan market sa lalawigan at ayon sa mga ito, may kalayuan daw kaya naman dagdag gastusin umano ang pampakrudo sa sasakyan upang makuha ang mga benta.
Kahit pa ang iba raw sa kanila ay may sariling sasakyang pang-angkat ay malaking gastusin pa rin umano ang kanilang kada byahe sa bagsakan market.

Samantala, nananatili namang mataas ang presyo ng kada kilo ng parehong lowland at highland vegetables sa pamilihan at nakikitang isang dahilan umano ng taas presyo sa mga gulay ay ang taas presyo sa langis. |ifmnews
Facebook Comments