Tumigil na sa pagbebenta ng puting asukal ang ilang mga vendor sa Marikina Public Market.
Ito’y dahil sa mahal ng puhunan para rito at sa matumal na bentahan.
Base sa ating monitoring may ilang mga stall na puro brown at light brown na asukal na lang ang tinitinda.
Kung may nagtitinda man ng puting asukal ay kakaunti lang ang suplay nila dahil sa ngayon, ₱95 hanggang Php100 pa rin ang bentahan ng puting asukal habang ₱90 ang brown sugar at ₱88 ang light brown.
Dahil sa mahal na bentahan ng asukal, pabor naman ang ilang mga vendor sa muling pag-aangkat ng bansa ng asukal nang sa gayon ay mapababa ang presyo nito.
Nabatid na inaprubahan na ni Panguling Ferdinand Marcos Jr., ang pag-aangkat ng hanggang 150,000 metriko tonelada ng asukal kasunod na rin ng rekumendasyon ng Sugar Regulatory Administration kung saan maximum na bilang ang 150,000 metriko tonelada pero tiniyak naman ng pangulo na mas mababa ang aangkatin na asukal.