ILANG MIGRATORY BIRDS, NAMATAAN SA WESTERN PANGASINAN NGAYONG 2026

Namataan sa ilang bayan sa Western Pangasinan ang ilang uri ng migratory birds para sa taunang pagtatala ng Asian Waterbird Census na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources ngayong 2026.

Sa naging aktibidad, nakuhanan sa camera ang migratory birds tulad ng White-Throated Kingfisher sa Burgos; Black-Winged Stilt at Common Greenshank sa Infanta; at Pacific Swallow, Philippine Duck at Little Egret sa bayan ng Sual.

Bawat taon, isinasagawa ang census sa buong mundo upang bilangin ang populasyon ng mga waterbird at suriin ang kalidad ng mga wetland bilang mahalagang tirahan ng maraming migratory birds.

Natutukoy din sa pamamagitan ng waterbird census ang mga lugar na kinakailangan pangalagaan at panatilihin upang palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng wetlands saan mang panig ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments