Naghain ng reklamo ang ilang militanteng grupo sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) dahil sa panggigipit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon sa grupo, kabilang sa mga nakaranas ng harassment mula sa NTF-ELCAC ay ang ilang miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
Bukod dito, naghain din ng reklamo ang mga militanteng grupo laban sa umano’y profiling at surveillance.
Iginiit naman ng KMU na hindi kasalanan ang pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa at ang pagkondena sa mga pag-aresto sa kanilang hanay.
Facebook Comments