Ilang militanteng grupo, nagkasa ng kilos-protesta para kondenahin ang ikinakasang Balikatan Exercises

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa may bahagi ng Kalaw Avenue sa Maynila.

Ito’y para kondenahin at ipanawagan na itigil na ang ikinakasang Balikatan Exercise 2024.

Giit ng grupo, hindi napapanahon ang Balikatan Exercise lalo na ngayong maraming Filipino ang nakararanas ng kahirapan.


Dapat umanong tutukan ng pamahalaan ang mga manggagawa na hirap sa kasalukuyan at huwag ang ginagawang pakikialam ng bansang Amerika.

Paliwanag pa ng KMU, ginagamit lamang ng US ang Pilipinas sa hindi magandang paraan at madadamay lang daw ang bansa sa gulong kinasasangkutan ng Amerika.

Nabatid na tinangkang makalapit ng grupo sa Embahada ng Amerika pero naharang na sila ng mga tauhan ng MPD pagsapit sa kanto ng Kalaw Avenue at Roxas Boulevard.

Bukod dito, nakatakda silang magkasa pa ng malawakang kilos-protesta sa mga susunod na araw hanggang sa darating na Labor Day.

Facebook Comments