Ilang militanteng grupo, nagkilos-protesta sa harap ng DA Central Office hinggil sa krisis ng bigas sa bansa

Kinalampag at humiga sa mainit na aspalto ang ilang militanteng grupo sa harap ng Department of Agriculture (DA) Central Office sa Quezon City upang panagutin ang sinasabing krisis sa bigas sa bansa.

Ani Amihan, isang pederasyon ng mga kababaihang magbubukid na dapat sisihin ang nangyayaring problema sa bigas dahil sa umiiral na Rice Liberalization Law at kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Dagdag pa rito, ang pag-import ng mga bigas mula sa ibang bansa ay pinakikinabangan lamang ng mga importers, private traders, smugglers, at mga hoarder at ang Executive Order No. 62 o ang Rice Liberalization Law ay hindi umano sasagot sa pagbaba ng presyo ng mga bigas.


Nananawagan ang grupong lumahok sa kilos-protesta na ang nasabing batas ay ipawalang-bisa at ang regulatory power ng NFA ay muling ibalik upang maibenta ang lokal na palay sa patas na presyo at maibenta ng mura sa merkado.

Facebook Comments