Ilang militanteng grupo, nagsagawa ng kilos-protesta sa Maynila kasabay ng anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law

Ilang militanteng grupo mula sa Southern Tagalog ang nagtipon-tipon sa bahagi ng España Boulevard sa lungsod ng Maynila.

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga militante kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Kinondena rin nila ang anila’y kawalan ng aksyon ng Administrasyong Marcos sa problema sa lumalalang kahirapan at kawalan ng kabuhayan.


Bahagya namang nagkaroon ng tensyon nang umalma ang protesters sa pagharang ng mga pulis para hindi sila makalap it ng Mendiola at Malakanyang.

Mula España ay tumulak din ang mga militante sa UST para sa mas malaking pagtitipon.

Facebook Comments