Nagpapatuloy ang paghahanda ng ilang militanteng grupo kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duturete.
Kakaiba rin ang kilos-protesta na ipapakita ng grupong Bayan na gaganapin sa kahabaan ng Commonwealth.
Tinawag na #SONAgKAISA ang kanilang pagkilos na ang ibig sabihin ay pagkakaisa ng iba’t ibang grupo laban sa Anti-Terrorism Law, pagsara ng ABS-CBN, palpak na tugon sa pandemya, krisis sa ekonomiya at kawalan ng soberanya.
Alas-10 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ang main event na gaganapin sa tapat ng tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) bilang sumisimbolo ng kasalukuyang laban para sa karapatang pantao.
May mga talumpati, tula, sayaw at awit sa pinakling programa.
Sa halip na physical effigy ang gagamitin. Video ang ipapalabas sa programa.
Bukod sa pagsusuot ng face mask, tiniyak ng grupo na masusunod din ang physical distancing kung saan maglalagay sila ng marka sa tamang pwesto ng bawat.
Umaasa ang grupo na magiging mapayapa ang isasagawang pagkilos matapos silang makipag-ugnayan sa QCPD at QC Local Government Unit (LGU).