Pormal nang sisimulan ngayong araw ng Department of Justice ang unang araw ng preliminary investigation laban sa ilang militanteng mambabatas kaugnay sa mga reklamong inihain ng PNP-CIDG Lucena dahil sa pagkawala ng mga menor de edad na aktibista na sinasabing ni-recruit ng mga militanteng grupo.
Partikular na pinapadalo sa pagdinig ngayong hapon sina Neri Colmenares, Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago at mga opisyal nito, gayundin ang mga miyembro ng Kabataan at Anakbayan Party-lists na nahaharap sa mga reklamong trafficking of persons at child abuse.
Inatasan din ng DOJ panel of prosecutors ang mga respondents na magsumite ng kanilang kontra-salaysay.
Magugunitang unang dumulog sa Senado ang mga magulang ng mga nawawalang estudyante ng FEU, PUP at UE na sinasabing ni-recruit ng New People’s Army.