Ilang Mindanaoan congressmen, hati sa martial law extension sa Mindanao

Hati ang mga kongresista sa Mindanao patungkol sa pagpapalawig pa ng batas militar sa rehiyon.

Ayon kay Anak Mindanao Representative Amihilda Sangcopan, maituturing na welcome development ang pahayag ng kalihim ng Department of National Defense (DND) na hindi na dapat pang i-extend ang martial law sa Mindanao.

Tiwala si Sangcopan na ito ang resulta ng inaprubahan nilang Bangsamoro Organic Law (BOL).


Pagkakataon din anya ito ng mga opisyal ng Local Government Units (LGUs) na patunayan ang kanilang sarili sa pagpapatupad ng peace in order.

Sa kabilang banda ay iba naman ang pagtingin dito ni Lanao del Sur Representative Abdullah Dimaporona ang nais naman ay palawigin pa ang batas militar sa Mindanao.

Sinabi ni Dimaporo na mula nang maipatupad ang mahigpit na seguridad dahil sa martial law ay bibihira na lamang ang rido o gulo sa kanilang lugar.

Sakali mang gugustuhin muli ni Pangulong Duterte ang martial law extension sa Mindanao ay hindi siya magdadalawang isip na suportahan ito.

Facebook Comments