Hindi pa man nagaganap ay kinansela na ng Catholic church ang ilang mga misa dahil sa panibagong banta ng terror attack sa Sri Lanka.
Ayon kay Colombo Archbishop Cardinal Malcolm Ranjith, isang reliable report ang kanilang natanggap kaya nagpasya siyang huwag munang ituloy ang ilang misa ngayong weekend.
Bukod rito, pinalawig na rin ang bakasyon ng ilang mga mag-aaral sa ilang Catholic school sa lugar dahil sa nasabing banta.
Bukod sa Catholic churches, nagdagdag na rin ng pwersa ng military at pulisya sa paligid ng iba pang mga simbahan kabilang na ang mga Buddhist churches.
Una nang inatake noong Holy Week ang ilan simbahan at hotel kung saan umabot sa mahigit 200 ang nasawi.
Facebook Comments