Ilang miyembro ng Gabinete, mariing itinanggi ang umano’y “pabuya” ang dahilan ng pagsama nila sa Japan visit ng pangulo

Umalma ang ilang Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y “pabuya” ang pagsama nila sa mga biyahe nito sa Japan.

Ayon kay Dept. Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, tuwing buma-biyahe sila kasama ang Pangulo ay sinasamantala nila ang pagkakataon para makausap ang Foreign Business Community.

Aniya, kahit kailan ay hindi nila itong nakita bilang pabuya gayung nagta-trabaho sila araw at gabi para mapaghandaan ang aktibidad ng pangulo.


Sabi naman ni Executive Sec. Salzvador Medialdea, hindi naman pabuya para sa mga kalihim ang biyahe sa Japan.

May kaniya-kaniya aniyang trade mission sa Japan ang mga ito at dadalo rin sila sa mga summit.

Giit din ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, working trip ang biyahe nila sa Japan at hindi ito pabuya dahil sagot ng kagawaran ang kaniyang gastos at ng isa niyang staff member.

Bahagi aniya siya ng delegasyon dahil may isyu kaugnay sa agrikultura na isa sa tatalakayin ng Pangulo sa Japan.

Facebook Comments