
Patuloy ang pagdagsa ng mga makikiisa sa ginaganap na rally for transparency and a better democracy ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand.
Ang iba sa kanila ay nagmula pa sa kalapit na lungsod at lalawigan, habang karamihan ay nagpalipas ng oras sa open ground ng Rizal Park.
Mula Roxas Blvd hanggang Finance Road at South Drive, puno ng mga miyembro ng INC.
Pinilahan din ng mga makikiisa sa rally at ilang mga indibidwal ang libreng paalmusal na inihanda ng kasalukuyan at dating pulitiko.
May libre ding tubig na inaalok para sa lahat ng makikibahagi sa ikalawang araw ng rally.
Magsisimula ang aktibidad hinggil sa rally ng alas-9:00 ng umaga, habang ang pinaka-programa ay gaganapin ng alas-3:00 ng hapon. Ayon sa datos ng Manila DRRMO, aabot na sa 130,000 ang bilang ng mga nananatili sa Quirino Grandstand.









