Ilang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau, itinalaga bilang mga COVID-19 safety marshalls

Courtesy of Manila PIO

Ilang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang itinalaga ngayon bilang mga COVID-19 safety marshals.

Nasa 400 na COVID-19 safety marshalls ang idineploy na sa ilang lugar sa lungsod ng Maynila habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Magiging trabaho ng COVID-19 safety marshals ang manita ng mga pasaway na residente gaya ng walang suot na face mask, mga nakatambay sa labas ng bahay at pagpapa-iral sa physical distancing lalo na sa mga palengke.


Kada miyembro ng nasabing marshals ay mga naka-uniporme at mga nakasuot ng face mask kung saan umaasa ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan nito ay magiging disiplinado ang bawat Manileño.

Samantala, pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang operasyon ng tricycles, pedicabs at e-trikes kahit pa naka-MECQ pero kinakailangan na nakakasunod ang mga ito sa inilatag na health at safety protocols ng gobyerno.

Facebook Comments