Ilang miyembro ng Maute sa Marawi, gusto ng sumuko

Marawi City – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na ilang miyembro ng Maute Group ang nagpaabot ng kanilang kahandaang sumuko na sa mga otoridad.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Marawi, marami nang Maute members ang nagpadala ng kanilang surrender feelers.

Aniya, hindi totoo ang impormasyon na sinabi ng teroristang grupo na lalaban sila hanggang sa kamatayan.


Tiniyak naman ni Brawner na isasalalim sa medical at psychiatric testing ang lahat na susuko, combatant man o mahuhuling nakikipagbarilin.

Aalamin din aniya nila kung sila ba ay miyembro talaga ng Maute group o napilitan lamang sumali sa grupo.

Batay sa data ng militar, aabot na sa 694 na Maute members ang napatay sa bakbakan sa Marawi, habang 151 naman sa hanay ng gobyerno.
Dagdag pa ni Brawner, lalo pang humina ang puwersa ng kalaban ngayong tumuntong na sa ikaapat na buwan ang bakbakan sa Marawi.

Facebook Comments