Ilang miyembro ng mga militanteng grupo, nagkasa ng kilos protesta sa Court of Appeals

Nagkilos protesta sa labas ng Court of Appeals ang ilang mga militante para hilingin ang pagpapalaya ng ilan nilang kasamahan.

Partikular na nagkasa ng protesta ang grupong Gabriela.

Nais nila na mapalaya na ang kasamahan na sina Ram Carlo Bautista, Reina Mae Nasino at Alma Moran na dinampot noong November 5, 2019.


Kasama rin sina Michael Bartolome at Cora Agovida na inaresto naman noong October 2019.

Hiling rin ng mga militante na aksyunan na ng Court of Appeals ang Petition for Certiorari na inihain nila noong nakalipas pang taon na hanggang ngayon ay wala pa rin resulta.

Muling iginiit ng mga raliyista na itinanim lamang ng mga otoridad ang mga ebidensiya tulad ng mga baril at pampasabog na sinasabing nakuha mula sa mga kasamahan nila na ikinulong ng gobyerno.

Facebook Comments