Ilang miyembro ng NPA, namataan sa Ilocos Norte

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Army na nakabase sa Ilocos Norte na may mga namataang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa dalawang bayan sa lalawigan ng Ilocos Sur.

 

Ayon kay Lt. Col. Eugenio Julio Osias ng 81st Infantry Battalion, dalawang NPA ang nakit sa Brgy. Santa Ana, Solsona habang dalawa rin sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Nueva Era.

 

Aniya, hindi pa nila malaman kung sino ang kumander ng mga grupo at kung saang probinsiya sila nagmula kung sa Abra o sa Apayao.

 

Ang bayan ng Solsona at Nueva Era ay matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan na may mga bulubunduking bahagi na malapit sa lalawigan ng Apayao.


Facebook Comments