Ilang miyembro ng NUJP, nagkilos protesta sa DOJ

Nagprotesta sa Department of Justice (DOJ) ang ilan miyembro ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP).

Ito ay para ipanawagan ang mga insidente ng pagpaslang sa mga mamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Kasabay ng unang taon mula nang mapatay si Percival Mabasa alyas Percy Lapid, iginiit ng NUJP ang pagbibigay hustisya sa mga mamamahayag na pinatay noong nakalipas na taon.


Dismayado ang grupo na sa kabila ng pag-usad ng kaso ni Lapid ay bigo pa ring maaresto ang itinuturong utak sa krimen

Giit ng NUJP, dapat mapangalagaan at masiguro ang seguridad ng mga mamamahayag na nagsisiwalat ng katotohanan at mga iregularidad sa pamahalaan.

Kaugnay nito, umaasa sila na mareresolba ang mga kaso ng pagpatay sa mga brodkaster at mapanagot ang mga may sala.

Facebook Comments