Ibinunyag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na may mga appointees at mga miyembro sa team ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang may koneksyon sa mga kontraktor.

Bunsod nito ay hinahamon ni Leviste si Dizon na isapubliko ang lahat ng koneksyon niya at ng kaniyang team sa mga nakaraan, kasalukuyang at potensyal na mga mga contractors sa DPWH projects.

Ayon kay Leviste, dapat ding ihayag ni Dizon ang lahat ng kaniyang nalalaman sa posibleng kickback mula sa mga proyekto ng DPWH.

Sa kalagitnaan ng press conference ni Leviste ay may tumawag sa kanya na umano’y taga-DPWH at sinabing magsasagawa ng pagsusuri sa team at appointees at aalisin kung mayroon man contractors.

Iginiit ni Leviste sa kaniyang kausap sa telepono na dapat ipatupad ang transparency at patas na paglalaan ng pondo sa bawat distrito sa buong bansa gayundin ang pagbaba sa presyo ng mga proyekto ng DPWH.

Facebook Comments