Patuloy na gumugulong ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan ukol sa pagpatay sa kapitan ng Brgy. Paitan sa bayan ng Sta. Maria.
Noong 1 Abril, pinagbabaril at nasawi si Barangay Paitan Captain Rolando Albino ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagmamaneho sa bypass road sa bayan.
Ayon kay Pangasinan PPO Police Director PCol Rollyfer Capoquian, maraming anggulo ang kanilang tinitignan.
Isa na riyan, kung politically motivated ba umano ang suspek, o hindi naman ay pagnanakaw, o sa negosyo.
Hindi rin inaalis ang anggulong may kinalaman ito sa eleksyon o dati niyang trabaho bilang isang Retired CIDG Officer.
Samantala, inihayag ni Capoquian na hindi tinatanggal ang posibilidad na mapasama sa areas of concern ang bayan ngunit masusi pa itong pag-aralan kung mayroon nga bang kinalaman ang pagpatay sa kapitan sa paparating na halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









