Daing muli ng ilang motorista at PUV drivers ang nakaambang taas singil sa produktong petrolyo na maaaring maranasan simula bukas.
Ani ng ilang drayber, mataas ang halos limang pisong dagdag presyo kung ikukumpara noong mga nakaraan na nasa halos dalawang piso lamang ang itinataas nito.
Pasakit umano kung sakaling magtutuloy-tuloy ang ganitong pagtaas sa presyo lalo at wala naman umanong tiyak na kita sa araw-araw ang iba sa kanila.
Posibleng maranasan bukas ang naturang taas presyo kung saan nasa 2.50-3.00 pesos ang kada litro ng gasoline, 4.30-4.80 sa diesel, at 4.25-4.40 pesos sa kerosene.
Ayon sa Department of Energy, dahilan ito ng patuloy na tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran na banta sa global shipping package ng produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









