ILANG MUNISIPALIDAD SA ISABELA, NAABUTAN NG LIVELIHOOD ASSISTANCE

CAUAYAN CITY – Naabutan ng livelihood assistance ang ilang munisipalidad dito sa Lalawigan ng Isabela.

Kabilang sa mga lugar na nabigyan ng tulong pinansyal ay ang bayan ng Cabagan, Roxas, San Mateo, San Mariano, Cabatuan, Tumauini, Alicia, Lungsod ng Ilagan at Cauayan.

Ang pamamahagi ay sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD Field Office 2 katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng bawat bayan.


Nasa higit P8 million pesos ang naipamahagi sa 416 beneficiaries ng naturang programa.

Samantala, mabibigyan din ng tulong pinansyal ang mga may organisasyon sa livestock farming, rice and feeds retailing, sari-sari store, meat processing, at street food vending.

Facebook Comments