Ilang myembro ng Makabayan, kinondena ang profiling ng PNP sa mga gurong myembro ng ACT teachers

Manila, Philippines – Mariing kinukondena ni Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao ang ginawang profiling ng PNP sa mga public school teachers na myembro ng ACT Teachers Partylist.

Giit ni Casilao, napakadelikado para sa mga guro ang inilabas na memo ng PNP para sa profiling ng mga guro mula sa ACT Teachers.

Wala umanong pinagkaiba ito sa tokhang list ng PNP sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.


Aniya, ang pagiging kasapi ng makakaliwang grupo ay hindi isang krimen at hindi ‘act of terrorism’ ang paglaban sa karapatan at kapakanan ng mga guro.

Maliban dito, kinukondena din ni Casilao ang pagdepensa ng Malakanyang sa monitoring na ginagawa sa mga guro.

Sa halip aniya na tugunan ang panawagan ng mga guro sa dagdag na sahod, isinasailalim pa ang mga ito sa police surveillance.

Dahil dito, hinihikayat ng partylist hindi lamang ang mga educator kundi pati ang ibang mga professionals na kundenahin ang aksyong ito ng PNP.

Facebook Comments