Ilang naglalakihang banners, inilgay sa harap ng gusali ng NPC kaugnay sa inaabangang promulgasyon ng mga akusado sa Maguindanao Massacre

Ilang naglalakihang banners ang inilagay sa harapang bahagi ng gusali ng National Press Club o NPC.

Ito ay upang muling ipanawagan ang hustisya sa mga taong pinatay sa Maguindanao Massacre noong November 23, 2009 kungg saan Ang mga banner ay inilagay kaugnay na rin sa inaabangang promulgasyon o pagbaba ng hatol sa mga akusado sa karumal-dumal na krimen.

Ayon sa NPC, ang mga banner ay simbolo ng paggiit sa kanilang posisyon na “justice must be served” o marapat na makamit ang hustisya para sa limampu’t walong biktima ng masaker, kabilang na ang tatlumpu at dalawang mamamahayag na nag-cover ng filing ng certificate of candidacy ng noo’y governatorial candidate at ngayon ay Representative Esmael “Toto” Mangudadatu sa Shariff Aguak.


Nakaantabay na ang mga miyembro ng NPC, hindi lamang para i-cover ang tinatawag na “promulgation of the century”, kundi upang masaksihan din kung ano ang magiging hatol sa mga akusado.

Bukas, December 19 sa ganap na alas-nuebe ng umaga isasagawa ang promulgation sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Matatandaan na Isang dekada o sampung taong gumulong ang kaso sa sala ni Quezon City RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Facebook Comments