Ilang nagtitinda ng bangus, suportado ang plano ng DA na buhayin ang Laguna Lake para mapababa ang presyo ng bangus

 

Naniniwala ang ilang mga nagtitinda ng bangus na kayang mapababa ang presyo ng bangus basta may tamang programa na magagawa ang pamahalaan.

Ayon sa mga nagtitinda sa Pasig Mega Market, kanilang sinabi na suportado nila ang plano ng Department of Agriculture (DA) na buhayin ang Laguna Lake bilang pangunahing pagkukunan ng isda sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Paliwanag nila, napapanahon ito para makatulong sa mga konsumer lalo pa’t sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Ang inaalala lang nila sa pagpapalakas ng produksyon ng isda sa Laguna Lake ay ang lasa nito.

Mas masarap umano ang lasa ng Bangus Dagupan kumpara sa mga Bangus na galing sa Laguna.

Sakaling masikatuparan ang plano ng DA, ay maibabalik ang presyo nito sa ₱50 hanggang ₱70 kada kilo.

Sa ngayon kasi ay ₱180 hanggang ₱200 ang presyo ng kilo ng bangus.

Nabatid na nagpasaklolo ang mga Samahan sa Aquaculture kasunod ng pagdami ng mga namamatay na fingerlings, gayundin ang pagpasok umano ng tubig alat sa Laguna Lake.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na makikipagpulong siya sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) para talakayin ang plano at mga programa para rito

Inatasan din ng kalihim ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na suriin ang kalidad ng tubig sa Laguna Lake kada quarter.

Facebook Comments