Ilang nasawi sa Resorts World incident, pinagnakawan pa

Manila, Philippines – Nagkaroon ng insidente ng “looting” sa Resorts World Manila matapos ang nangyaring trahedya na ikinasawi ng 38 katao.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ang nasawing asawa ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales na si Elizabeth Panlilio Gonzales ay nawalan ng mga mahahalagang gamit at pera matapos ang insidente.

Ang nasawing maybahay ng kongresista ay nagawa pang pagnakawan ng mga alahas, Rolex watch, at dalawang ATM cards.


Aabot sa 25 thousand ang perang nakuha dito.

Nagtataka pa si Pimentel na June 2 nangyari ang insidente pero June 5 ay may nakapagwithdraw pa sa ninakaw na ATM.

Palaisipan din sa kongresista na bang mangyari ang sunog sa loob ng casino ay nagsilabasan na ang lahat ng mga staff ng RWM at naiwan pa nga ang mga ipinapapapalit na cash.

Giit ni Pimentel na silipin ng RWM ang insidente ng pagnanakaw at magsagawa ng accounting kung may nawalang mahahalagang gamit sa iba pang biktima at sa loob na rin ng establisyimento.

Facebook Comments