Ilang natitirang miyembro ng Alex Boncayao Brigade, nagbalik Islam; kilos ng mga ito, binabantayan ng NCRPO

Manila, Philippines – Kinumpirma ng National Capital Region Police Office na mayroon silang namonitor na mga remnants o natitirang miyembro ng Alex Boncayao Brigade o ABB na nagbalik Islam.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde sa briefing sa Malacanang, wala silang nakikitang ispisipikong banta sa sa seguridad sa gaganaping ASEAN meetings sa Metro Manila simula bukas hanggang a-8 ng Agosto.

Pero mayroon aniya silang namonitor na ilang miyembro ng ABB na nagbalik Islam na patuloy nila ngayong binabantayan pero batay aniya sa kanilang natatanggap na impormasyon ay lumalabas na wala namang banta ang mga ito sa gaganaping ASEAN meeting.


Paliwanag ni Albayalde, batay sa kanilang napapansin, ilan sa mga miyembro ng Extrimist group ay Balik Islam pero nilinaw din naman nito na hindi lahat ng balik Islam ay mga terorista.

Facebook Comments