Ilang natupad na pangako ni Pangulong Duterte, binalikan ng Malacañang

Kasabay ng nalalapit na pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang magaganap na huling State of the Nation Address (SONA) nito sa ika-26 ng Hulyo, muling binalikan ng Malacañang ang mga naging pangako nito noong bagong upo pa lamang sa pwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nananatiling tanyag ni Pangulong Duterte batay sa mga survey dahil sa ginawa nitong kampanya laban sa iligal na droga at krimen.

Bagama’t din aniya nakaranas ng masalimuot na paglalakbay dahil paglaban sa COVID-19, marami ring pangako ng pangulo ang natupad tulad ng paglaban sa korapsyon at red tape, libreng tuition at universal healthcare bills at maging ang libreng bakuna laban sa virus.


Sa ngayon, batay sa tala ay nasa 6,000 katao na ang napatay mula sa mahigit 200,000 anti-drug operations na isinagawa magmula July 2016.

Facebook Comments