Ilang NBA games, libre nang mapapanood sa FB at Twitter sa Pilipinas

Magiging libre na simula ngayong araw ang panonood ng ilang laro ng NBA sa Facebook at Twitter.

One-game per day ngayong opening week ang libreng streaming sa social media accounts ng NBA Philippines.

Pero pagkatapos ng opening week, tuwing Lunes at Huwebes na lamang pwedeng makanood ng libreng livestreaming.


Kapana-panabik din ang pagbubukas ng bagong NBA Season dahil mapapanood si LeBron James at koponan niyang Los Angeles Lakers kontra kay Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers.

Ito ang first time na free streaming ng NBA sa social media platforms sa Pilipinas.

Facebook Comments