Maraming negatibong idudulot ang pagsisimula ng paniningil ng toll fee sa mga motoristang gagamit ng Skyway Stage 3 epektibo sa July 12.
Sa Interview ng RMN Manila kay Toll Regulatory Board (TRB) Spokesperson Julius Corpuz, sinabi nito isa na ang maitatalang kabawasan sa mga gagamit ng Skyway dahil sa P264 na singil.
Pero gayunman, umaasa si Corpuz na babalik din ito sa normal sa oras na malaman ng mga motorista na mas mabilis ang biyahe sa Skyway Stage 3 kumpara sa normal na ruta.
Maliban sa auto sweep na dapat maging koleksyon ng San Miguel Corporation (SMC), sinabi pa ni Corpuz na mananatili pa rin ang cash lane sa Skyway 3.
Patuloy naman ang paghikayat ng TRB sa mga motorista na kumuha na ng Radio-frequency identification (RFID) upang mapabilis ang pagbiyahe.
Ang Skyway Stage 3 ay nagkukonekta sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).