Hindi pa rin pinapayagan ang pagbubukas ng ilang negosyo sa Quezon City sa kabila ng inilabas na Memorandum Circular ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa inilabas na updated guidelines ng pamahalaang lokal, mananatiling itong sarado habang patuloy na sinusuri ang pagdami ng kaso ng variant ng COVID-19 at mga kaugnay na health protocols.
Kabilang dito ang mga indoor cinema, video/interactive game arcade, theme park o funfair.
Kasama rin ang mga beerhouse, nightclub, videoke/KTV bar at kids amusement center, daycare at playhouse.
Nakapaloob sa Memorandum Circular na inilabas ng DTI na pinapayagan na nang unti-unti ang pagbukas ng operasyon ng ilang negosyo kabilang ang traditional cinemas sa ilalim ng General Community Quarantine matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.