Dumami pa ang bilang ng mga indibdwal na naapektuhan ng patuloy na pagaalburuto ng bulkang Taal.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC mula sa bilang na 77,438 indibidwal na apektado na ngayon ng pagbuga ng abo ng bulkang Taal.
Umaabot na ito ngayon sa 96,061 o 22,472 families.
Sa bilang na ito 70,413 ang tumutuloy ngayon sa 300 mga evacuation centers.
Tuloy-tuloy naman ang tulong ng gobyerno sa mga apektado ng pagaalburuto ng bulkang taal.
Sa huling report ng NDRRMC, umabot na sa mahigit 12 milyong piso ang naitulong ng DSWD at DOH sa apektado ng pagaalburuto ng bulkan.
Batay pa sa report ng NDRRMC may 20 syudad at munisipalidad ang nakaranas ng power interruption o kawalan ng kuryente sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Batangas.
Sampu sa mga siyudad at munisipyong ito ay naibalik na ang supply ng kuryente.