Ilang NPA na sumuko sa Bulacan, nagtatrabaho na konstruksyon ng MRT-7 ayon sa PESO Bulacan

Dalawamput pitong dating miyembro ng NPA ang nagtatrabaho na sa konstruksyon ng MRT 7 matapos magbalik loob sa Gobyerno.

Ayon   kay San Jose del Monte City PESO Head Perfecto Tagalog, ang mga rebel returnees ay sumuko sa militar kamakailan lamang.

Habang inaayos ang proseso para maka avail sila sa E-Clip program ng pamahalaan ay isinailalim muna sila sa training ng Public Employment service Office ng LGU ng San Jose del Monte City ,Bulacan sa tulong ng TESDA.


Maging ang kanilang mga asawa ay kasama na ring sumailalim sa training para sa  kanilang napiling trabaho.

Kampante ang Local na pamahalaan na marami pang rebelde ang mahihikayat na  magbalik loob sa pamamagitan ng isinusulong nitong Local Peace Talks sa mga  NPA.

Sa ngayon, tatlong Barangay na lamang sa San Jose del Monte City ang tinukoy ng militar na may existing na NPA rebels.

Ito ay ang Barangay San isidro, Paradise 3 at Tungkong Mangga.

Facebook Comments